"It's gonna hurt and I love the pain, a breeding ground for hate but... I'm not, not sure, not too sure how it feels to handle everyday."
Hi, I'm you-know-who. I'm from you-know-where and this is my you-know-what. Try checking out my like this, like this, like this and like this. Thanks! :p
Recently
I'm still here
Good morning
Mine got broken first.
The sun will set for you
Sino pa ang makakakuha ng paper shredder for Christmas?
A Wishlist
Sa skul pag pasko maraming regalo
Resigned
Bend and Not Break
You're a god
Teachers' Day
Just one
No matter
Some songs
Could you remind me to forget?
One More Chance ka diyan
Sa ganitong buwan ang isa sa mga panahong mararamdaman mo talaga ang ka-toxican ng pagiging isang preschool teacher. Bukod sa naghahabol kayo ng lessons at classroom activities dahil magtatapos na ang taon, ngayon din sasabay ang pagplaplano para sa sangkatutak na events (lalo na kung ang school ay kagaya ng samin) katulad ng isang Christmas program. Practices at preparation palang, mawawala ang beauty mo. Hindi pa kasama diyan ang implementation ng Christmas LP (Lesson Plan) at parties ng kiddies ha (Xmas at pati na birthdays, parang ang daming nipanganak ngayong December).
Pero… kung iisipin, bawi naman. Dahil sa mga ganitong panahon din masarap maging teacher. Bakit? Dahil sa sangkatutak na regalo. Kada estudyante mo, asahan mo man o hindi, magbibigay. Akala ko nung isang taon, marami na akong natanggap. Dahil bukod sa mga estudyante ko, nagbigay rin ang mga hindi ko estudyante. Eh ngayong mas higit pa sa triple ang dami ng mga batang under sakin, sabihin na natin na simula nung Lunes, may mga inuuwi na akong kung anu-ano. At kahapon at kanina, tigdadalawang malalaking paper bag ang inuwi ko. Asteeg.
Ilan sa mga paboritong natanggap ko: Parker ballpen na engraved ang pangalan ko (tama ang spelling, I’m so touched); sooper dooper cute na payong na koolay pink at bunny pa yung design; gift cert galing Starbucks at gift card galing SM; blouse; floral kit na yung kid pa yung pumili; itlog na maalat na nasa napakagandang basket at maraming-maraming chocolates. :D
Salamat, salamat parents. Bukas na yung Christmas program namin. Good luck sa kids ko! :)
← Bend and Not Break | A Wishlist →
—Ivan 07.12.15, 05:39 AM #
shehet! ambunan mo naman ako. nyahaha.
looking forward to our next date. :D
—Dona 07.12.15, 11:59 PM #
Ivanee!!! Namiss kita dito hehehe. :D
Sige! Ako rin, excited ako. After Christmas siguro, pwede ka? :)
—Ivan 07.12.17, 07:56 AM #
sure… manure?! :P
gusto ko sa trinoma. hehe.
—Dona 07.12.17, 09:42 PM #
Trinoma then… hmm, nood tayo MMFF?! Ahahaha, joke. Well, unless gusto mo talaga?! :D